Ang New Jersey Population Health Cohort Study ay inilunsad sa 2022 upang pahusayin ang pag-unawa sa kung paano nakakaapekto sa kalusugan ang mga kaganapan sa buhay at stress, partikular na sa loob ng historically disadvantaged na mga grupo, multigenerational na mga pamilya, at mga grupo ng imigrante. Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay mag-alok ng praktikal, naaaksyunan na impormasyon para sa pagpapabuti ng kalusugan ng populasyon, kagalingan at pagkakapantay-pantay sa kalusugan sa New Jersey at higit pa.
What is NJCOHORT?
Ang Cohort ay kakatawan sa mga residente ng New Jersey na may edad 14 pataas, at magsama ng malalaking grupo ng mga imigrante, mga tao sa multi-generational na mga sambahayan at minorya at mga residenteng mababa ang kita. Ang mga datos sa kasalukuyan ay hindi nagbibigay ng impormasyon ng mga subgroup ng imigrante para sa pag-unawa sa mga partikular na populasyong panlipunan at kultural na determinant ng kalusugan. Upang punan ang mga kakulangan sa mga kasalukuyang pinagmulan ng datos, ang Cohort ay naglalayong mangolekta ng datos sa paglipas ng panahon upang maunawaan ang mga pangangailangan ng komunidad, mga stressor, kalakasan at kung paano ito nakakaapekto sa kalusugan. Ang mga matutuklasan ay mag-aalok ng praktikal at naaaksyunang impormasyon para sa pagpapabuti ng kalusugan ng populasyon at pantay na kalusugan.
Hihilingin sa mga kalahok na makilahok sa isang harap-haraoang na malilim na panayam o panayam sa pamamagitan ng telepono. Hihilingin sa ilang kalahok na magsumite ng mga samplo ng dugo/biomarker at datos ng pisikal na aktibidad. Hihiling din kami ng pahintulot na i-link ang iyong impormasyon sa iba pang pinagmumulan ng datos.
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa ilalim ng direksyon ni Dr. Joel Cantor, Distinguished Professor, Edward J. Bloustein School of Planning and Public Policy, Rutgers University. Ang kanyang opisina ay matatagpuan sa 7 72 Paterson Street, New Brunswick, NJ. Ang pagpopondo para sa pag-aaral na ito ay ibinibigay ng Robert Wood Johnson Foundation at Rutgers University.